Related kaba sa psidium guajava? Ito ay isang uri ng prutas na mayaman sa vitamin C. Mapa prutas o dahon nito ay malaking tulong sa ating kalusugan. At para mas makarelate ka, ito ang Prutas na kung tawagin ay "guava" sa english at bayabas naman in filipino language. Guava contains 6% fixed oil,0.4% volatile oil,organic 1 acids, tannin, 8-15% pectin, sugar, protein. Maaari nitong lunasan ang diarrhea,toothache at antiseptic din for skin infections,sugat at mga kati-kati, gingivitis, maging feminine hygiene ay pwede rin. Paraan kung paano gamitin: Magpakulo ng 4 na kutsaritang napinong dahon ng bayabas sa 2 basong tubig sa loob ng 15minuto.Palamigin, salain at hatiin sa apat.Inumin twing 3 hanggang 4 na oras. Para sa masakit na ngipin:Nguyain ang 2-3 sariwang dahon ng bayabas at isiksik ito sa may sirang ngipin. Para sa namamagang gilagid: Gamitin ang pinaglagaan ng dahon ng bayabas bilang pangmumog 3 beses sa isang araw. Para sa ulser, sugat, at pangangati: Hugasan lamang ang sugat ng pinaglagaan ng dahon o gawing pantapal ang mismong nalagang dahon.
Read More »